close
Pumunta sa nilalaman

Milya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Milya
Sistema ng yunitBritish imperial/US customary
Yunit nghaba
Simbolomi. o mi,(rarely) m
Mga pagpapalit
1 mi. o mi sa ...... ay katumbas ng ...
   SI units   1609.344 m
   imperial/US units   
   US survey mile   0.999998 survey mile
   nautical units   0.86898 nmi

Ang milya (Ingles: mile; simbolo: mi) ay isang yunit ng haba. Ang isang karaniwang milya ay katumbas ng 5,280 talampakan, 1,760 yarda, o humigit-kumulang 1.609 kilometro.[1][2] Ang salitang "mile" ay nagmula sa lumang pariralang Latin na mille passus, na nangangahulugang isang libong hakbang (one thousand paces).[1][3]

Mayroong iba't ibang uri ng milya depende sa konteksto. Narito ang ilang mga uri ng milya:

  • Milyang Statute - ang pinakakaraniwang uri ng milya (katumbas ng 5,280 talampakan).[1]
  • Milyang nautikal - ginagamit para sa nabigasyon sa dagat at himpapawid upang isaalang-alang ang kurbada ng Daigdig (katumbas ng 6,076 talampakan).[4][5]
  • Milyang romano (mille passus) - sinusukat bilang 1,000 hakbang ng isang lehiyong Romano (mga 4,860 talampakan).[3][6]
  • Milyang eskandinabya (mil) - sa Noruwega at Suwesya lamang karaniwang ginagamit kapag naglalarawan ng mga distansya ng paglalakad o sasakyan (6.2 milya o 32,808 talampakan).[7]
  • Milyang heograpikal - natutukoy sa pamamagitan ng 1 minutong arko sa kahabaan ng ekwador ng Daigdig. (6,087 talampakan).[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1 2 3 "Mile". Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-07.
  2. "Milya". Diksiyonaryo.ph. Nakuha noong 2026-08-07.
  3. 1 2 "Mille passus". Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-07.
  4. "Nautical mile". Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-07.
  5. Palstek, Fiete (2024-04-04). "What is a nautical mile and how is it calculated?". EK Marine Service (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-07.
  6. "Roman mile". Collins English Dictionary (sa wikang Ingles). 2026-06-29. Nakuha noong 2026-08-07.
  7. "Meaning of SCANDINAVIAN MILE and related words". OneLook (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-07.
  8. "GEOGRAPHICAL MILE Definition & Meaning | Dictionary.com". www.dictionary.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-07.

Sukat Ang lathalaing ito na tungkol sa Sukat ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.