The New York Times
| Uri | Pang-araw-araw na pahayagan |
|---|---|
| Pagkaka-ayos | Broadsheet |
| Nagmamay-ari | The New York Times Company |
| Tagapaglimbag | A. G. Sulzberger |
| Himpilan | The New York Times Building, Manhattan, Estados Unidos |
| Circulation | 11,880,000 suskrayber sa balita[a] |
| ISSN | 0362-4331 |
| OCLC number | Padron:OCLC search link |
| Websayt | nytimes.com |
Ang The New York Times (NYT)[b] ay isang pahayagan na nakabase sa Manhattan, Lungsod ng New York. Sinasaklaw nito ang mga balitang domestiko, pambansa, at internasyonal, at naglalathala ng mga opinyon at pagsusuri. Bilang isa sa pinakamatagal nang pahayagan sa Estados Unidos, ang Times ay nagsisilbing isa sa mga pangunahing pahayagang sanggunian sa bansa. Magmula noong 2025[update], ang The New York Times ay may kabuuang 11.88 milyon na suskrayber at 11.3 milyon sa online, na kapwa pinakamataas ang bilang kumpara sa anumang pahayagan sa Estados Unidos; kabilang sa kabuuan ang 580,000 suskrayber sa nakalimbag na edisyon. Ang The New York Times ay inilalathala ng The New York Times Company; mula noong 1896, ang kompanya ay pinamumunuan ng pamilyang Ochs-Sulzberger, na ang kasalukuyang tagapangulo at tagapaglathala ng pahayagan ay si A. G. Sulzberger. Ang punong tanggapan ng Times ay nasa The New York Times Building sa Midtown Manhattan.
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Diamond, Sarah (Hulyo 2, 2023). "The Naming of Gaming (and Its History)" [Ang Pagpapangalan ng Paglalaro (at ang Kasaysayan Nito)]. The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 19, 2023. Nakuha noong Hulyo 20, 2023.
Noong 1934, naglathala ang The Times ng mga sipi mula sa mga sermon mula sa dalawang simbahan sa New York City kung saan kinondena ng mga pastor ang mga loterya. (Isinalin mula sa Ingles)
- ↑ Campinoti, Maria; Frehse, Rob (Enero 12, 2024). "NY judge orders Trump to pay legal fees to NY Times after failed lawsuit over disclosure of his tax documents" [Inutusan ng hukom ng NY si Trump na magbayad ng mga legal na bayarin sa NY Times matapos mabigo ang kaso kaugnay ng pagsisiwalat ng kanyang mga dokumento sa buwis] (sa wikang Ingles). CNN. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 14, 2024. Nakuha noong Enero 14, 2024.
- ↑ Lee, Timothy (Agosto 27, 2013). "The New York Times Web site was taken down by DNS hijacking. Here's what that means" [Nakompromiso ang website ng New York Times dahil sa DNS hijacking. Narito ang ibig sabihin nito.]. The Washington Post (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 3, 2023. Nakuha noong Hulyo 20, 2023.
