close
Pumunta sa nilalaman

Kabul

Kabul

کابل
Kabiserang lungsod
BERJAYA
Shahr-e Naw
BERJAYA
Ang Arg
BERJAYA
Moske Shah-Do Shamshira
BERJAYA
Dambana ng Sakhi
BERJAYA
Mga Hardin ng Babur
Palayaw: 
Kabul is located in Apganistan
Kabul
Kabul
Kabul is located in Asya
Kabul
Kabul
Mga koordinado: 34°31′31″N 69°10′42″E / 34.52528°N 69.17833°E / 34.52528; 69.17833
BansaBERJAYA Afghanistan
LalawiganKabul
Blg. ng distrito22
Blg. ng Gozar630
Pagbuo ng kabisera1776[3]
Pamahalaan
  UriMunisipilidad
  AlkaldeHamdullah Nomani
  Diputadong AlkaldeMaulvi Abdul Rashid[4]
Lawak
  Kabiserang lungsod383.1 km2 (147.9 milya kuwadrado)
  Metro
4,524 km2 (1,747 milya kuwadrado)
Taas
1,791 m (5,876 tal)
Populasyon
 (2025)
  Kabiserang lungsod4,950,000 (Una sa Apganistan)
  Kapal12,920/km2 (33,500/milya kuwadrado)
Mga tawag sa tagalugarKabuli
Sona ng orasUTC+04:30 (AFT)
Kodigo ng koreo
10XX
Kodigo ng lugar(+93) 20
KlimaBSk
Websaytkm.gov.af

Ang Kabul[a][b] ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Apganistan. Matatagpuan ito sa silangang bahagi ng bansa, at isa rin itong munisipalidad na bahagi ng Lalawigan ng Kabul. Hati ang lungsod sa 22 distrito para sa administrasyon. Tinatayang nasa humigit-kumulang 4.95 milyon ang populasyon ng Kabul noong 2023.[9] Sa makabagong panahon, nagsilbi ang Kabul bilang pampulitika, pangkultura at pang-ekonomiyang sentro ng Apganistan.[10] Dahil sa mabilis na urbanisasyon, naging pangunahing lungsod ito ng bansa.[11]

Matatagpuan ang makabagong lungsod ng Kabul sa isang makitid na lambak na mataas ang lokasyon sa hanay ng kabundukang Hindu Kush, at napapalibutan ito ng Ilog Kabul. May taas itong 1,790 metro (5,873 tal), kaya kabilang ito sa mga kabiserang lungsod na may pinakamatataas na lokasyon sa mundo. Matatagpuan sa gitna ng lungsod ang mga lumang kapitbahayan nito, kabilang ang mga lugar ng Tulay ng Khashti, Khabgah, Kahforoshi, Saraji, Chandavel, Shorbazar, Deh-Afghanan at Ghaderdiwane.[12]

Sinasabing higit sa 3,500 taon na ang Kabul, at nabanggit na ito noong panahon ng Persang Imperyong Akemenida. Matatagpuan ito sa isang sangandaan sa Asya, halos nasa kalagitnaan ng Istanbul sa kanluran at Hanoi sa silangan, akaya nasa isang estratehikong lokasyon ang lungsod sa mga ruta ng kalakalan ng Gitnang Asya at Timog Asya. Isa itong mahalagang patutunguhan sa sinaunang Daang Seda[13] at tradisyunal na itinuring na tagpuan ng Tartarya, Indiya at Persa.[14] Sa paglipas ng mga dantaon, napasailalim ang Kabul sa pamamahala ng iba’t ibang dinastiya at imperyo, kabilang ang Seleusida, mga Greko Baktriyano, mga Maurya, mga Kushan, mga Hindu Shahi, mga Kanluraning Turko, mga Turkong Shahi, mga Samanida, mga Horesmita, mga Timurida, mga Monggol, at mga Arman Rayamajhi.

Noong ika-16 na dantaon, ginamit ng Imperyong Mughal ang Kabul bilang pangtag-init na kabisera, at sa panahong iyon ay umunlad ito at tumaas ang kahalagahan.[14] Minsan itong napasailalim sa kontrol ng mga Apsarida matapos ang pananakop ni Nader Shah sa Indiya, hanggang sa tuluyang mapunta sa lokal na pamamahala ng Imperyong Apgano noong 1747.[15] Naging kabisera ang Kabul ng Apganistan noong 1776 sa panahon ng paghahari ni Timur Shah Durrani, anak ni Ahmad Shah Durrani.[3] Noong ika-19 na siglo, sinakop ng mga Briton ang lungsod. Matapos magtatag ng ugnayang panlabas at mga kasunduan, umatras sila mula sa Apganistan at bumalik sa Britanikong Indiya.

Kilala ang Kabul sa mga makasaysayang hardin, pamilihan (bazaar) at mga palasyo[16][17][18] gaya ng mga Hardin ng Babur, Palasyo ng Darul Aman at Arg. Sa ikalawang kalahati ng ika-20 dantaon, naging hintuan ang lungsod sa landa ng mga hippie na tinahak ng maraming Europeo[19][20][21] at nakakuha ng palayaw na "Paris ng Gitnang Asya".[1][2][22] Natapos ang panahong ito ng katiwasayan noong 1978 sa Rebolusyong Saur at sa sumunod na interbensiyong militar ng mga Sobyet noong 1979, na nagpasimula ng isang sampung taong Digmaang Apgano–Sobyetiko. Ang dekada 1990 ay minarkahan ng mga digmaang sibil sa pagitan ng mga pangkat na humiwalay mula sa nabuwag na mujahideeng Apgano, na sumira sa malaking bahagi ng lungsod.[23] Noong 1996, sinakop ng Taliban ang Kabul. Pagkaraan ng apat na taon ng patulon-tulong labanan, bumagsak ang lungsod na pinamumunuan ng Taliban sa Estados Unidos matapos ang pananakop ng Amerika sa Apganistan na sumunod sa pag-atake noong Setyembre 11 sa Estados Unidos noong 2001. Noong 2021, muling sinakop ng Taliban ang Kabul matapos ang pag-atras ng puwersang militar ng Amerika at NATO mula sa Apganistan.

Toponimya at etimolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Kabul ay nakilala sa iba't ibang pangalan sa buong kasaysayan nito.[24] Hindi tiyak ang kahulugan nito, subalit pinaniniwalaang nagmula ito bago ang mga unang pananakop ng mga Muslim, noong nasa mga ruta ng kalakalan ang lungsod sa pagitan ng Indiya at ng mundong Helenistiko.[25] Sa Sanskrito, kilala ito bilang Kubha, samantalang tinukoy ito ng mga Griyegong manunulat noong sinaunang panahon bilang Kophen, Kophes o Koa.[24] Itinala ng manlalakbay na Tsino na si Xuanzang (ika-7 dantaon) ang lungsod bilang Gāofù (Tsino: 高附).[24] Unang ginamit ang pangalang "Kabul" para sa Ilog Kabul bago ito iniuugnay sa lugar na nasa pagitan ngHindu Kush at Sindh (kasalukuyang Pakistan).[24][25] AKilala rin ang lugar na ito bilang Kabulistan.[24] Noong ika-19 na dantaon, napansin ni Alexander Cunningham (namatay 1893) na ang Kaofu, ayon sa tala ng mga Tsino, ay malamang na pangalan ng "isa sa limang tribong Yuchi o Tukhari". [24] Idinagdag ni Cunningham na ibinigay ng tribong ito ang pangalan nila sa lungsod matapos nila itong sakupin noong ika-2 dantaon BK.[24] "Mukhang makatwiran" ang palagay na ito dahil isinulat ng histoyador na Apgano na si Mir Ghulam Mohammad Ghobar (1898–1978) na sa Avesta (sagradong aklat ng Zoroastrianismo), kilala ang Kabul bilang Vaekereta, samantalang tinukoy ito ng mga Griyego noong sinaunang panahon bilang Ortospana ("Mataas na Lugar"), nna tumutugma sa salitang Urddhastana Kastana.[24] Itinala rin ng Griyegong heograpo na si Ptolomeo (namatay c.170 CE) ang Kabul bilang Καβουρα (Kabura).[24]

Ayon sa alamat, may isang lawa sa Kabul, at sa gitna nito ay matatagpuan ang tinatawag na "Pulo ng Kasayahan", kung saan nakatira ang isang masayahing pamilyang mga musikero.[24] Ayon din sa alamat na ito, naging madaraanan ang pulo sa utos ng isang hari sa pamamagitan ng pagpapagawa ng isang tulay (pul sa Persa) na yari sa dayami (kah sa Persa).[24] yon sa alamat na ito, nabuo ang pangalang Kabul mula sa pinagsamang dalawang salitang ito, kah + pul.[24] Ipinapahayag naman ng Concise Oxford Dictionary of World Place Names na "hindi malamang" ang mungkahing nagmula ang pangalan sa ugat na Arabe na qbl, na nangangahulugang 'pagtatagpo' o 'pagtanggap'. [25]

Hindi pa rin tiyak kung kailan unang iniuugnay ang pangalang "Kabul" sa lungsod.[24] "Naging tanyag" ito matapos wasakin ni Genghis Khan (c. 1162–1227) noong ika-13 dantaon ang Kapisa at iba pang mga lungsod na nasa kasalukuyang Apganistan.[24] Dahil sa sentrong lokasyon ng lungsod sa rehiyon, at sa kahalagahan nito bilang tagpuan ng iba’t ibang pangkat-etniko, nakilala ang Kabul bilang Paris of Gitnang Asya noong huling bahagi ng ika-20 dantaon.

BERJAYA
Tanawin sa gabi sa Kabul noong 2016 na nakaharap sa hilagang-silangan, na makikita ang Koh-e 'Aliabad sa kaliwa at Koh-e Asamai sa kanan.
BERJAYA
Dam ng Qargha at lawa
BERJAYA
Isang tanawin ng ilan sa mga bundok na nakapalibot sa Kabul

Ang Kabul ay matatagpuan sa silangang bahagi ng bansa, 1,791 metro (5,876 talampakan) sa ibabaw ng dagat sa isang makitid na lambak, na nasa pagitan ng kabundukang Hindu Kush sa tabi ng Ilog Kabul. Kaagad sa timog ng lumang lungsod makikita ang sinaunang pader ng lungsod at ang bundok na Sher Darwaza, na may sementeryo ng Shuhadayi Salihin sa likuran nito. Kaunti pang silangan ang kinalalagyan ng sinaunang kuta ng Bala Hissar, na may lawa ng Kol-e Hasmat Khan sa likuran nito.

Inilarawan ang lokasyon nito bilang isang "mangkok na napapalibutan ng mga bundok".[26] Ilan sa mga bundok (na tinatawag na koh) ay ang Khair Khana-e Shamali, Khwaja Rawash, Shakhi Baran Tey, Chihil Sutun, Qurugh, Khwaja Razaq at Sher Darwaza. Mayroon ding dalawang bundok sa pagitan ng mga urbanong lugar sa kanluran: ang Koh-e Asamai (na lokal na kilala bilang Burol ng Telebisyon) at Ali Abad. Ang mga burol sa loob ng lungsod (na tinatawag na tapa) ay kinabibilangan ng Bibi Mahro at Maranjan.

Dumadaloy ang Ilog Logar papasok sa Kabul mula sa timog, at sumasanib ito sa Ilog Kabul na hindi kalayuan sa sentro ng lungsod.

Sinasaklaw ng lungsod ang lawak na 1,023 kilometro kuwadrado (395 mi kuw), kaya ito ang pinakamalaking lungsod sa bansa. Ang pinakamalalapit na dayuhang kabisera, kung susukatin nang tuwid ang distansya, ay ang Islamabad, Dushanbe, Tashkent, Bagong Delhi at Bishkek. Halos magkasinglayo ang Kabul mula sa Istanbul (kanlurang Asya) at Hanoi (silangang Asya).

BERJAYA
Mga kabataang lalaki at babae na Apgano sa isang pagdiriwang ng musikang rock sa loob ng Hardin ng Babur

Tinaya noong 2023 na humigit-kumulang 4.95 milyon ang populasyon ng Kabul.[9] Matagal nang pabago-bago ang tipon ng lungsod dahil sa mga digmaan. Dahil walang makabagong senso, iba-iba ang pagtataya sa bilang ng populasyon.

Tinayang nasa humigit-kumulang 10,000 ang populasyon ng Kabul noong 1700, 65,000 pagsapit ng 1878, at 120,000 noong 1940.[27] Kamakailan, nasa humigit-kumulang 500,000 ang populasyon noong 1979, samantalang ayon sa isa pang sanggunian ay 337,715 ito noong 1976.[28] Umangat ang bilang na ito sa mga 1.5 milyon pagsapit ng 1988, bago ito bumagsak nang husto noong dekada 1990. Naging isa ang Kabul sa pinakamabilis lumaking lungsod sa mundo, at nag-apat na beses ang pagdami ng populasyon nito mula 2001 hanggang 2014. Bahagi ito ng pagbabalik ng mga refugee o lumikas matapos bumagsak ang rehimeng Taliban, at bahagi rin ng paglipat ng mga Apgano mula sa iba pang lalawigan dahil sa digmaan sa pagitan ng mga mandirigmang Taliban at ng puwersa ng pamahalaang Apgano sa kanilang mga katutubong lugar, pati na rin ang paghahanap ng trabaho. Dahil sa mabilis na urbanisasyon ito, maraming naninirahan ngayon sa di-pormal na mga pamayanan.[29] Nagtayo sila ng mga barung-barong na gawa sa putik at ladrilyo sa gilid ng mga bundok at matatarik na burol, na karaniwang salat sa yaman at hindi nakakonekta sa tubig at kuryente. Bagaman ilegal ang mga pamayanang ito, pinapayagan sila ng mga awtoridad. Noong 2017, nagsimula ang Munisipalidad ng Kabul ng isang proyekto na pagpipinta ng mga bahay sa mga pamayanang ito ng makukulay na kulay bilang pagsisikap na "pasayahin" ang mga residente.[30][31]

BERJAYA
Mga bahay na itinayo sa kabundukan

Ang Kabul ay, noon pa man at hanggang ngayon, ang pinakamayamang lungsod pagdating sa pagkakaiba-ibang etniko sa bansa; kinabibilangan ang populasyon nito ng mga Apgano mula sa iba't ibang bahagi ng bansa.[32] Humigit-kumulang 45% ng populasyon ng Kabul ay Tajik, 25% ay Hazara, 25% naman ay Pashtun; kabilang sa mga minoryang pangkat-etniko ang Qizilbash (binibilang kasama ng mga Tajik), 1% ay Baloch, 2% ay Uzbek, 1% ay Turkmano, at 1% Apganong Hindu.[33] Halos tatlong-kapat ng populasyon ng Kabul ang sumusunod sa Sunni Islam, habang nasa humigit-kumulang dalawampu't limang bahagdan ang Shiite. Kabilang din sa iba pang relihiyon sa lungsod ang Sikhismo at Hinduismo.

Noong 1525, inilarawan ni Babur ang rehiyon sa kaniyang mga alaala sa pamamagitan ng pagsulat na:

Eleven or twelve tongues are spoken in Kābul—‘Arabī, Persian, Turkī, Mughūlī, Hindī, Afghānī, Pashāī, Parājī, Gibrī, Bīrkī, and Lamghānī. If there be another country with so many differing tribes and such a diversity of tongues, it is not known.[34] (Labing-isa o labindalawang wika ang sinasalita sa Kabul— ‘Arabī (Arabie), Persa, Turkī (Turko), Mughūlī, Hindī, Afghānī (Pashto), Pashāī, Parājī (Parachi), Gibrī (Gawar-Bati), Bīrkī (Ormuri), at Lamghānī (Lambadi). Kung may iba pang lupain na may ganito karaming magkakaibang tribo at ganito kalawak na iba-ibang wika, hindi ito nalalaman.)

Baburnama, 1525
BERJAYA
Mga babaeng Apgano sa Kabul noong 2012

Kasama ng mga pamayanang Pastun, Tajik at Hazara, na bumubuo sa nakararami ng populasyon ng lungsod, mayroon ding malaking bilang ng Uzbek, Turkmen, Kuchi, Qizilbash, Hindu, Sikh, at iba pang pangkat. Ang mas malawak na lalawigan ng Kabul naman ay pinangungunahan ng mga pangkat na Pastun at Tajik.[35][36] Ang mga wikang Dari (Persa) at Pashto ay malawakan ang gamit sa rehiyon, at ang Dari ang nagsisilbing lingua franca. Karaniwan ang multilingguwalismo sa lugar, lalo na sa hanay ng mga taong Pastun.

Tumutukoy ang katawagang "Kabuli" (کابلی) sa mga urbanito ng lungsod. Karaniwan silang etnikong nyutral, nagsasalita ng Dari (Persa), may pangkalahatang sekular na edukasyon, at pabor sa damit at istilong Kanluranin. Maraming Kabulite (lalo na ang mga elitista at nasa mataas na uri) ang umalis sa bansa noong digmaang sibil, at ngayon ay napapabilang sa mas kaunting bilang kumpara sa mga taong mula sa kanayunan na lumipat sa lungsod, karamihan ay mga lumulumikas subalit mayroon ding naghahanap ng trabaho.[37][38]

Humigit-kumulang 68% ng populasyon ng lungsod ang sumusunod sa Sunni Islam habang 30% ay mga Shiite (pangunahin ang mga Hazara at Qizilbash). Ang natitirang 2% ay mga tagasunod ng Sikhismo at Hinduismo, pati na rin ang isang kilalang Kristiyanong residente (Unang Ginang Rula Ghani) at isang Hudyo (Zablon Simintov) noong dekada 2010. Tinatayang nasa 500–8,000 Apganong Kristiyano sa buong bansa; dahil sa mga limitasyon sa kalayaan sa relihiyon, kadalasan ay lihim silang sumasamba, kaya mahirap matantiya ang bilang ng mga Kristiyano sa Kabul nang tiyak.[39] Daang-daang hindi Muslim ang nananatili pa rin matapos muling sakupin ng Taliban ang Apganistan.[40] Mayroon ding maliit na pamayanang mangangalakal na Sindhi at Punjabi sa Kabul (kung saan kabilang ang karamihan ng mga Sikh at Hindu)[41] at mga pamayanang Turko (kadalasan ay mga may-ari ng negosyo at mamumuhunan), at noong dekada 1980, mayroon ding malaking pamayanang Ruso sa lungsod sa panahon ng kampanya ng Sobyet sa bansa.

Kultura at mga palatandaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
BERJAYA
Ang Palengke ng Ibon (Ka Foroshi) sa Kabul

Ang lumang bahagi ng Kabul ay puno ng mga pamilihan (bazaar) na nakapuwesto sa makitid at paikot-ikot nitong mga kalye, gaya ng Mandawi at ang Palengke ng Ibon (Ka Foroshi). Kabilang sa mga kultural na pook ang: Pambansang Museo ng Apganistan, na kapansin-pansing nagpapakita ng kahanga-hangang estatwa ni Surya na nahukay sa Khair Khana; ang guho ng Palasyo ng Darul Aman, ang libingan ng Emperador na Mughal na si Babur sa Bagh-e Babur, at Liwasang Chihil Sutun, ang Minar-i-Istiqlal (Haligi ng Kalayaan) na itinayo noong 1919 matapos ang Ikatlong Digmaang Apgano, ang libingan ni Timur Shah Durrani; ang Palasyo ng Bagh-e Bala Palace; at ang kahanga-hangang Moskeng Id Gah (itinaguyod 1893). Ang Bala Hissar ay isang kuta na bahagyang nasira noong Ikalawang Digmaang Anglo-Apgano,[42] at muling inayos bilang isang kolehiyong militar. Nariyan din ang kuta ng Kolola Pushta, na pinagbarilan ng Hukbong Apgano, at ang kalapit na kuta ng Tore ng Shahrara noong ika-19 na dantaon, na nasira noong 1928. Ang bundok na Koh-e Asamai ay may templo na itinuturing na mahalaga sa Hinduismo.

Kabilang sa iba pang mga pook na kaakit-akit ang Sentrong-Lungsod ng Kabul, na siyang kauna-unahang shopping mall o pamilihang-sentrong pangkalakalan ng Kabul; ang mga tindahan sa paligid ng Kalye Flower at Kalye Chicken; ang distrito ng Wazir Akbar Khan; Klab ng Golp ng Kabul; Soo ng Kabul; Moske ng Abdul Rahman; Shah-Do Shamshira at iba pang kilalang moske; ang Pambansang Galeriya ng Apganistan; ang Pambansang Arkibo ng Apganistan; Libingan ng Pamilyang Maharlika ng Afghanistan; Museong Mina ng OMAR; Burol ng Bibi Mahro; Sementeryo ng Kabul; at Mga Hardin ng Paghman, na pinaka-kilala sa tanyag na arko ng Taq-e Zafar. Kasali rin ang Aga Khan Development Network (AKDN) sa pagpapanumbalik ng Bagh-e Babur (Mga Hardin ng Babur).

Ang Bangin ng Maranjan (Tappe-i-Maranjan) ay isang kalapit na burol kung saan natagpuan ang mga estatwa ng Budismo at Greco-Baktriyano mga barya mula sa ika-2 dantaon BK. Sa labas ng mismong lungsod ay matatagpuan ang stupang Budistang Guldara at isa pang stupa sa Shewaki. Ang Paghman at Jalalabad ay mga kaakit-akit na lambak sa kanluran at silangan ng lungsod. Sa huling kalsadang ito, mga 16 milya sa silangan ng lungsod, ay ang banging Tang-e Gharu.

Noong nakaraan, mayroon ang Kabul ng hanggang 23 sinehan, subalit sa kasalukuyan ay apat na lamang ang natitira, kabilang ang pag-aari ng estado na Sinehang Ariana. Ang pagbagsak ng sinehan sa Apganistan mula noong dekada 1990, dulot ng digmaan at mapaniil na mga rehimen, ay nagdulot ng pagsasara ng marami sa mga ito.[43] Ang Nandari, o Pambansang Teatro ng Kabul, ay isa sa pinakamalalaking teatro sa Asya bago ito masira sa digmaang sibil at hanggang ngayon ay hindi naibalik.[44] Dahil sa kakulangan ng pamumuhunan, hindi nakabawi ang sektor matapos ang 2001, at kapansin-pansin ang Sinehang Parke na ginawang wasak at kontrobersyal na binuwag noong 2020.[43]

Kambal na bayan – kapatid na lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1 2 Bumiller, Elisabeth (17 Oktubre 2009). "Remembering Afghanistan's Golden Age". The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Agosto 2021. Nakuha noong 24 Agosto 2021.
  2. 1 2 Kohzad, Nilly. "Kabul Residents, Visitors Recall Capital's Golden Era Before Conflict" (sa wikang Ingles). Radio Free Europe/Radio Liberty. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Agosto 2021. Nakuha noong 24 Agosto 2021.
  3. 1 2 Hanifi, Shah Mahmoud. p. 185. Connecting Histories in Afghanistan: Market Relations and State Formation on a Colonial Frontier Naka-arkibo 2021-08-15 sa Wayback Machine.. Stanford University Press, 2011. (sa Ingles)
  4. "د اسلامي امارت په تشکیلاتو کې نوي کسان پر دندو وګومارل شول". باختر خبری آژانس (sa wikang Arabe). 4 Oktubre 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Nobyembre 2021. Nakuha noong 22 Nobyembre 2021.
  5. "Kabul". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Nobyembre 2021.
  6. 1 2 3 4 "Kabul". WordReference.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Setyembre 2025.
  7. 1 2 "Kabul". The American Heritage Dictionary of the English Language (sa wikang Ingles) (ika-5 (na) labas). Boston: Houghton Mifflin Harcourt. 2014. Nakuha noong 1 Abril 2024.
  8. American Heritage Dictionary of the English Language, 1969. (sa Ingles)
  9. 1 2 "Estimated Population of Afghanistan 2023–24" (PDF) (sa wikang Ingles). National Statistics and Information Authority. 10 Hulyo 2023. p. 13. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 11 Setyembre 2023. Nakuha noong 11 Setyembre 2023.
  10. Foschini, Fabrizio (Abril 2017). Kabul and the challenge of dwindling foreign aid (PDF). Peaceworks no. 126 (sa wikang Ingles). United States Institute of Peace. ISBN 978-1-60127-641-4. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 9 Hunyo 2020. Nakuha noong 1 Hunyo 2021 sa pamamagitan ni/ng ETH Zurich.
  11. "Largest cities in the world and their mayors – 1 to 150" (sa wikang Ingles). City Mayors. 17 Mayo 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Setyembre 2011. Nakuha noong 17 Agosto 2012.
  12. "Kabul | History, Culture, Map, & Facts". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). 28 Hunyo 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Agosto 2021. Nakuha noong 27 Hunyo 2023.
  13. "Afghanistan: The Heart of Silk Road in Asia". The Diplomat (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Hunyo 2020. Nakuha noong 26 Nobyembre 2019.
  14. 1 2 Samrin, Farah (2005). "The City of Kabul Under the Mughals". Proceedings of the Indian History Congress (sa wikang Ingles). 66: 1307. JSTOR 44145943. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Hunyo 2021. Nakuha noong 29 Hunyo 2021.
  15. Nancy Hatch Dupree; Aḥmad ʻAlī Kuhzād (1972). "An Historical Guide to Kabul – The Story of Kabul" (sa wikang Ingles). American International School of Kabul. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Agosto 2010. Nakuha noong 18 Setyembre 2010.
  16. Gopalakrishnan, Raju (16 Abril 2007). "Once called paradise, now Kabul struggles to cope" (sa wikang Ingles). Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Marso 2021. Nakuha noong 1 Hunyo 2021.
  17. Abdul Zuhoor Qayomi. "Kabul City: Isn't just capital of Afghanistan but of palaces as well". Afghanistan Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Mayo 2021. Nakuha noong 1 Hunyo 2021.
  18. Sayed A Azimi. "Reversing Kabul's Environmental Setbacks" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Agosto 2021. Nakuha noong 1 Hunyo 2021 sa pamamagitan ni/ng LinkedIn.
  19. "Afghan King Overthrown; A Republic Is Proclaimed". The New York Times (sa wikang Ingles). 18 Hulyo 1973. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Nobyembre 2019. Nakuha noong 1 Abril 2019.
  20. Dateline Mongolia: An American Journalist in Nomad's Land ni Michael Kohn (sa Ingles)
  21. "'Mein Kabul': ORF-Reporterlegende Fritz Orter präsentiert im 'Weltjournal' 'seine Stadt' – am 31. August um 22.30 Uhr in ORF 2" (sa wikang Aleman). Austria Press Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Agosto 2021. Nakuha noong 1 Hunyo 2021.
  22. "Taliban Peace Talks in Afghanistan" (sa wikang Ingles). 28 Mayo 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Agosto 2021. Nakuha noong 24 Agosto 2021.
  23. "History of Kabul" (sa wikang Ingles). Lonely Planet. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Abril 2019. Nakuha noong 27 Mayo 2013.
  24. 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 Kakar, M. Hassan (2008). "Kabul". Mula sa Stearns, Peter N. (pat.). Oxford Encyclopedia of the Modern World (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-517632-2. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Mayo 2021. Nakuha noong 13 Pebrero 2021.
  25. 1 2 3 Everett-Heath, John, pat. (2020). "Kabul". Concise Oxford Dictionary of World Place Names (sa wikang Ingles) (ika-6 (na) labas). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-190563-6. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Mayo 2021. Nakuha noong 13 Pebrero 2021.
  26. Canada in Afghanistan: The War So Far by Peter Pigott (sa Ingles)
  27. "Draft Kabul City Master Plan" (PDF). USAID (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2 Abril 2019. Nakuha noong 21 Nobyembre 2019.
  28. "Trolleybuses in Kabul". www.spvd.cz (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Enero 2017. Nakuha noong 8 Enero 2017.
  29. Rasmussen, Sune Engel (11 Disyembre 2014). "Kabul – the fifth fastest growing city in the world – is bursting at the seams". The Guardian (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Enero 2017. Nakuha noong 8 Enero 2017.
  30. Wellman, Phillip Walter. "Homes in Kabul painted bright colors to cheer up war weary residents". Stars and Stripes (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Enero 2018. Nakuha noong 20 Enero 2018.
  31. Abed, Fahim; Mashal, Mujib (30 Mayo 2017). "Urban Sprawl Up Kabul's Mountainsides, With Splashes of Color". The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Enero 2018. Nakuha noong 20 January 2018.
  32. Women of Afghanistan in the Post-Taliban Era: How Lives Have Changed and Where They Stand Today by Rosemarie Skaine, 2009. (sa Ingles)
  33. "National Geographic Magazine" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 27 Pebrero 2008.
  34. Zahir ud-Din Mohammad Babur (1525). "Description of Kābul". Memoirs of Babur (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 30, 2020. Nakuha noong Hunyo 21, 2021.
  35. "Afghanistan – AFG38731 –Tajiks in Kabul and Mazar-e-Sharif – Taliban" (PDF). Country Advice: Afghanistan (sa wikang Ingles). Refugee Review Tribunal, Australya. 2 Hunyo 2011. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2 Agosto 2020. Nakuha noong 25 Nobyembre 2019 sa pamamagitan ni/ng www.refworld.org.
  36. "Kabul" (sa wikang Ingles). Online Encyclopædia Britannica. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hulyo 2010. Nakuha noong 18 Setyembre 2010.
  37. "Kabul – Naval Postgraduate School". my.nps.edu (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Enero 2018. Nakuha noong 11 Enero 2018.
  38. Foschini, Fabrizio (17 Enero 2012). "Striking at Kabul, now and then | Afghanistan Analysts Network". www.afghanistan-analysts.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Enero 2018. Nakuha noong 11 January 2018.
  39. "International Religious Freedom Report 2009" (sa wikang Ingles). Bureau of Democracy, Human Rights, and Labor, U.S. Department of State. 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Nobyembre 2009. Nakuha noong 6 Marso 2010.
  40. "Afghan Sikhs, Hindus meet Taliban officials, are assured of safety". The Indian Express (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Enero 2022. Nakuha noong 1 Pebrero 2022.
  41. "Hinduism in ancient and modern Afghanistan" (sa wikang Ingles). 21 Abril 2022. Nakuha noong 25 Hulyo 2024.
  42. Caption for Panorama of the Bala Hissar WDL11486 Library of Congress (sa Ingles)
  43. 1 2 "Kabul Once Had 23 Cinemas, Now Just 4" (sa wikang Ingles). TOLOnews. 17 Nobyembre 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Agosto 2021. Nakuha noong 22 Nobyembre 2021.
  44. "The battle for the Kabul Nandari cinema". The Independent (sa wikang Ingles). 26 Disyembre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Setyembre 2021. Nakuha noong 22 Nobyembre 2021.
  45. "Sister Cities of Ankara" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2018. Nakuha noong 11 Agosto 2016.
  46. "Sister Cities of Istanbul" (sa wikang Ingles). Greater Istanbul. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Mayo 2009. Nakuha noong 10 Abril 2015.
  47. Cultures and Globalization: Cities, Cultural Policy and Governance by Helmut K Anheier, p.376 (sa Ingles)
  48. "Deputy Mayor of Kabul Signs Sister Cities Friendship Agreement with Kansas City, Missouri ::: Embassy of Afghanistan". www.afghanembassy.us (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2019. Nakuha noong 23 Marso 2019.
  49. "Cities in Afghanistan and Nebraska forge "sister cities" partnership – Afghanistan". ReliefWeb (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Abril 2019. Nakuha noong 22 Enero 2018.

Karagdagang pagbabasa

[baguhin | baguhin ang wikitext]